Abante Tonite Interactive

Adams top pick ng regular draft

286

‘Di na nagulat ang marami nang tawagin ng Columbian Dyip si Fil-Am Roosevelt Adams bilang top pick sa regular proceedings ng 35th PBA Rookie Draft 2019 Linggo ng hapon sa Robinsons Place-Manila.

Isinunod ng Blackwater sa No. 2 ang 34-anyos na si Maurice Shaw, brusko rin ang katawan sa kanyang 6-foot-9 frame na puwedeng pambulabog sa gitna.

Nanggulat si Mike Ayonayon nang matawag sa No. 3 ng NLEX, isinunod ng Alaska sa No. 4 si Kevin Barkley Ebona.

Inumpisahan ng Rain or Shine ang three-straight picks kay Adrian Wong ng Ateneo sa No. 5. ‘Di na umalis sa stage ang Elasto Painters, tinapik sa Nos. 6 at 7 si Clint Doliguez ng San Beda at ang kapatid ni Ricci Rivero na si Prince.

Sumunod sa No. 8 ang NorthPort, kinuha ang pambato ng St. Clare na si Aris Dionisio.

Pumagitna ang Ginebra sa No. 10 na ginamit para kay Arvin Tolentino ng FEU.

Solidong defender ang hinugot ng TNT sa No. 11, si Kib Montalbo ng De La Salle.

Tinapos ng Columbian ang first round sa pagtawag kay Christian Balagasay ng NCAA champion Letran. (VE)