Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Adams wasak sa pagkabitin

0 110

NA-DELAY ang debut sana ng class 2019 sa PBA dahil sa pandemic.

March 11 kinansela ni commissioner Willie Marcial ang Philippine Cup dahil sa coronavirus. Nakakaisang laro pa lang nu’n sa season, ang 94-78 win ng San Miguel sa Magnoila.

Sa Oct. 11, tuloy na ang restart sa AUF gym.

Nasa Clark Freeport Economic Zone bubble na rin ang newbies, araw na lang ang hinihintay bago ang binyag sa pros.

Devastated si Roosevelt Adams na nabitin ang debut. Top pick overall ng Terra Firma ang Fil-Am forward.

“Not just myself but all these rookies in the league,” ani Adams sa Sports Page. “We were excited to start the season, and then we had this unfortunate event.”

Wala silang magawa kundi maghintay.

Nakasundo na agad ni Adams si Rookie of the Year CJ Perez, top pick din ng Dyip noong 2018.

“Me and CJ, I think from the first day of practice we connected on and off the court,” dagdag ni Adams. “We’re just on the same page.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.