Abante Tonite Interactive

Adamson, NU namumuro

By
7

Iginapos ng National U ang Arellano 25-17, 25-16, 25-23 para makauna sa best-of-three semifinals series nila sa Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kahapon.

Kinagabihan, dumaan sa butas ng karayom ang Adamson bago napasuko ang FEU 21-25, 25-22, 20-25, 25-14, 15-8.

Nagmukhang mamadaliin din ng Lady Tamaraws ang opener ng hiwalay nilang serye nang kubrahin ang first two sets, pero may ibang plano ang Lady Falcons.

Sumakay ang Adamson kina Bernadeth Flora, Christine Soyud, Joy Dacoron at Chiara Permentilla para kumpletuhin ang comeback. Naigapang ng Falcons ang panalo sa kabila ng pagkawala sa injury ni top hitter Jema Galanza.

Kapag nawalis ng dalawa ang serye sa Sabado, magkikita sa finals ang Adamson at NU.

Pinamunuan ni Jaja Santiago ang Lady Bulldogs sa kinamadang 24 hits, sa kanyang 22nd birthday ay naglista si Risa Sato ng 11 points, may eight pa si Aiko Urdas.