Abante Tonite Interactive

Adamson softball team, sumaklolo sa Covid crisis

0 332

KAHIT walang ganap at kompetisyon, ganado naman ang buong Adamson University women’s softball team sa pagbibigay ng tulong ngayong may kinakaharap ang bansa na coronavirus disease o COVID-19 crisis.

Nitong nakaraang linggo lang ay napagdesisyunan ng Lady Falcons na tumulong na lang muna sa pag-repack ng relief goods dahil stranded rin sila sa kanilang mga dormitory sa San Marcelino, Ermita, Maynila.

“Sa part namin, kahit small things na puwede kaming makatulong sa mga pamilya rito sa Metro Manila na nangangailangan, lalo na sa panahong ito na kailangan natin ang isa’t isa,” saad kahapon ni AdU coach Ana Santiago.

“We are very happy to be part ng program na ito, at patuloy namin gagawin ito sa abot ng makakaya namin.”

Sasabak na sana ang nasabing koponan sa University Athletic Association of the Philippine (UAAP) season 82 Softball Tournament. Pero naudlot matapos i-suspinde ang mga laro dulot sa paglaganap ng COVID-19. (Aivan Denzel Episcope