Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Adante, Arellano ratsada

0 63

Sakto ang paghahatid ng bola ni Kristine Clarire Adante sa mga katropa upang hambalusin ng defending three-time champion Arellano Lady Chiefs ang Letran Lady Knights, 25-13, 21-25, 25-16, 25-20, sa 97th National Collegiate Athletic Association women’s volleyball tournament elims sa Paco Arena sa Maynila Martes ng hapon.

Hanep ang bagito sa pagsi-set ng plays, naka-22 excellent sets at 6 points, at pinaiskor sina Carla Donato ng 16, Trina Abay ng 13, Charmina Dino ng 12 at Princess Bello ng 11 kasama pa ang 17 excellent digs at 10 excellent receptions sa pang-apat na ragasa at pagsolo ng AU sa pangalawang puwesto sa 5-1.

Semplang naman ang CSJL sa 1-5 win-loss record maski naka-14 pts. si Shereena Urmeneta at 11 si Christine Calixto. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.