Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Adaoag, Barcena, Magtubo bumida

0 88

Hindi na po ako magpapatumpik-tumpik pa.

Nais kong batiin ang mga nagpakita ng gilas sa 1st Philippine 3-Kilometer Virtual National Challenge 2021 na binalangkas ng Pinoy Athletics nito lang February 19-21.

Ang top three winners sa women’s division ay binubuo nina Lany Adaoag ng Lingayen, Pangasinan na may clocking na 10 minutes at 53 seconds;

Nhea Ann Barcena ng Bonifacio Global City Taguig Barcena’s Running Warriors (11:04) at Edna Magtubo ng Iloilo Athletics (11:26).

Kabilang sa Magic 10 finishers sina Pawie Fornea ng Cavite Standard Insurance/Philippine Navy (11:29), April Joy Alampayan ng Bohol Laum Athletes (11:29.3), Ruby Gayle Pueyo ng Iloilo Western Visayas State University (11:32);

Lheslie De Lima ng Camarines Sur Rinconada (11:52), Myline Campoamar ng Don Carlos Bukidnon DCRC/BTR/BBG (11:58), April Rose Diaz ng General Santos City Riot/Hiya (12:00) at Divina Mahusay ng Camarines Norte Cantafa (12:18).

Pasalamat po ang kampeon at ang third hanggang 10th placers sa kapwa ko marathoner at mabait na kabigang si Ms. Barcena, na siyang nag-provide sa akin ng resulta.

***

Kung may reaksiyon o komento po kayo, mag-email lang po sa ramilcruz2003@gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com.

Hanggang sa susunod pong linggo. Patnubayan nawa tayong lahat ng Poong Maykapal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.