Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Adebayo, Heat sinilaban Cavs

0 168

Pitong players ni coach Erik Spoelstra ang umiskor ng 10 pataas at sinunog ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers 115-101 sa 75th NBA regular season game Sabado ng gabi sa AmericanAirlines Arena.

Namuno sa Miami ang double-double ni Bam Adebayo (18 points, 11 rebounds), 18 din ni Duncan Robinson at Jimmy Butler na may 15 pts. at 11 assists.

Pasok ang unang apat na tira sa labas ng arc ni Robinson tungo sa 6 for 9 shooting mula long range.

Sa pangatlong tres, nilista ni Robinson ang 450th ng career sa kanyang 138th game. Ang dating pinakamabilis na nagtuhog nito ay si Luka Doncic (171 games). Naka-14 na sunod na laro na ring may multiple 3s si Robinson.

“Everybody has pure intentions about it – just to play off each other, share the game and enjoy each other’s success,” ani Spoelstra.

Nagsumite ng 26 points si Collin Sexton, may season-high 19 ponts si Taurean Prince sa Cavs. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.