Abante Tonite Interactive

Adele nag-file ng divorce sa asawa

550

Makikipaghiwalay na umano ang sikat na singer na si Adele sa kanyang asawa na si Simon Konecki.

Ayon sa report ng TMZ, nag-file na si Adele ng divorce sa asawa nitong Huwebes, September 12 sa court sa Los Angeles.

Matagal na umanong pinag-iisipan ni Adele na makipag-diborsyo sa asawa. Nitong Abril ay inanunsiyo niya na tinatapos na niya ang halos pitong taon nilang relasyon.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2011 at isinilang ni Adele ang kanyang panganay na lalaki noong October 2012. Ikinasal sila sa isang pribadong seremonya nitong 2016.

Si Simon Konecki ay isang investment banker sa Lehman Brothers bago niya ito iwan noong 2005. Nagtayo siya ng ethical water company na “Life water”. (Ronaline Avecilla)