Abante Tonite Interactive

Adik na anak pinakulong

365

Pinili ng isang ama sa Quezon City na ipa­kulong ang kanyang sariling anak dahil hindi na umano mapigil ang paggamit nito ng ipinagbabawal na droga.

Sa pahayag ni Bienvenido masion, 55, ng Brgy. Culiat, mainam umano kung nasa loob ng selda ang kanyang anak na si Wenerado, 33, dahil sinisira nito ang kanyang sariling buhay sa paggamit ng shabu.

Aniya, halos araw-araw niyang pinapa­ngaralan at pinagsasabihan ang kanyang anak na magbago na pero sadya umanong matigas ang ulo nito kaya naman siya na mismo ang nagtungo sa himpilan ng Quezon City Police District kamakalawa ng alas-8:30 nang gabi para ipadampot ang kanyang anak.

Rumesponde naman ang awtoridad at naabutan pa si Wenerado na bangag sa ipinagbaba­wal na gamot. Nakuha sa kanya ang dalawang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000.