Abante Tonite Interactive

Adik na holdaper arestado sa pinatay na piskal

By
1,917

Lutas na diumano ang pamamaslang sa limang buwang buntis na assistant special prosecutor ng Office of the Ombudsman na si Atty. Madonna Joy Ednaco-Tanyag makaraang maaresto ang suspek sa krimen.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General ­Oscar Albayalde, masasabing “chance victim” ang biktima dahil isang kaso ng panghoholdap at walang kinalaman sa trabaho nito ang pagpatay sa kanya.

Nanlaban aniya ang 32-anyos na si Tanyag kaya ito pinagsasaksak ng naarestong suspek na si Angelito Avenido Jr. alyas ‘Moymoy’, 31-an­eepney barker, tubong-General Santos City at nakatira sa Desire Compound, Brgy. Culiat, Queyos, isang jzon City.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang dalawang identification card ng biktima, dalawang coin purse na may susi, pera na nagkakahalaga ng P9,000 cash at isang Oppo mobile phone.

Naaresto si Avenido sa follow-up operation ng pulisya dakong alas-5:45 ng hapon kamakalawa sa Palayan Dulo, Brgy. Culiat.

Isang testigo na si Rogelio Dairo ang lumutang at sinabing inamin umano sa kanya ni Avenido na sangkot ito sa pagpatay sa biktima. Ipinagmalaki pa umano ng suspek ang insidente at sinabi sa kanya na “mamaya manood ka ng news”.

Nangyari ang insidente ng pagpatay kay Tanyag dakong alas-11:20 ng umaga nitong Lunes lang sa Visayas Ave­nue, Brgy. Vasra, Quezon City. Nagtamo ng tatlong saksak sa katawan ang biktima na ayon sa pulisya ay pa­wang “fatal stab wounds”.

Isinugod pa sa East Avenue Medical Center ang biktima ngunit idineklara ring patay na dakong alas-12:04 ng tanghali.

Nang rebyuhin ng mga pulis ang CCTV sa crime scene ay nakita pa ang suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, asul na jersey shorts at bull cap.

Nakita rin sa CCTV ang mga tattoo sa mag­kabilang braso ng suspek, na tumugma sa deskripsiyon sa kanya ng mga testigo.

Bangag umano sa shabu si Avenido nang holdapin ang buntis na biktima.

“This goes to show that he was under the influence of illegal drugs when he staged the crime. He was only after the money which he intend to buy drugs to support his drug addiction,” pahayag ni Alba­yalde sa press conference kahapon ng tanghali sa National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.