Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Adik sa porno niluray 5 batang pinsan

0 167

Arestado ang isang 28-anyos na lalaki matapos umano niyang gahasain ang lima niyang pinsan na pawang mga menor de edad.

Ayon sa ulat, hinuli sa Zambales ang suspek na most wanted sa lalawigan ng Albay, at kinasuhan ng 12 counts of rape dahil sa panghahalay sa kanyang sari­ling mga pinsan.

Hindi na pinangalanan ang suspek para maprotektahan ang mga batang biktima na kinabibilangan ng isang 13-anyos, dalawang 10-anyos, at tig-isang 9 anyos at 7-anyos.

Samantala, batay naman sa mga operatiba ng Zambales at Albay, ginahasa ng suspek ang mga sariling kamag-anak sa iba’t ibang okasyon.

Banggit ni Police Captain Richard Asis, chief of police ng Sta. Cruz, Zambales, parehong sa loob ng bahay ng mga biktima at ng suspek nangyari ang pananamantala ng lalaki sa mga batang biktima, tuwing wala ang mga magulang at kapatid ng huli.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang akusasyon, at tanggap daw niya ang pagkakahuli sa kanya at ang kanyang kasalanan.

Nabatid sa pulisya na mahilig ang suspek sa panonood ng mga porn movie.

Isasailalim ang mga menor de edad na biktima sa counseling habang itinurn-over na ng pulis Zambales ang suspek sa Polangui Police Station sa Albay. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.