Abante Tonite Interactive

ADMU nakiramay sa pamilya ng namatay na Atenista

420

Nagpahayag ng pakikiramay ang pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa isa nilang estudyante na sinasabing kinitil ang ­sariling buhay sa gusali ng Regis Center, sa ­Quezon City.

“We can confirm that a student of the Ateneo de Manila University has passed away earlier today. We express our deepest condolences to the family and friends of the student and we hope that they find comfort in God’s loving embrace during this most difficult time,” base sa ipina­dalang statement ng ADMU Marketing and ­Communications Office.

Sa statement, umaasa umano ang Ateneo community at sa publiko na huwag nang mag-share ng mga ‘di beripikadong balita o mga pangyayari sa paligid ng namatay.

“We hope that everyone respects the privacy of the family as they grieve their loss,” nakasaad pa sa statement.

Kaugnay nito, hinikayat ng pangasiwaan ng unibersidad ang sinumang estudyante nila na may dinadalang problema na maaari silang kausapin, upang maliwanagan ang kanilang isipan at maipadama sa kanila na hindi sila nag-iisa.

“If you or anyone you know is in need of someone to talk to, please know that you are not alone. Please call the NCMH Crisis Hotline at 0917 899 USAP (8727) or 7 989 USAP (8727) or Crisis Line by In-touch: (02) 8 893 7603, 0917 800 1123, or 0922 893 8944.” (Dolly Cabreza)