Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Adrianna, Alex lampungan tinulugan ni Chad

0 141

Ni:VINIA VIVAR

Ang up and coming stars na sina Adrianna So at Kych Minemoto na parehas nakilala dahil sa isang hit web series ang bibida sa pelikulang PaThirsty ng Idea First Company.

Aminado si Adrianna na talagang nagpaka-daring siya sa movie at first time niya itong ginawa. Sa pelikula ay si Alex Diaz ang kapareha niya at thankful siya sa aktor sa pag-alalay na ginawa nito sa kanya.

“It’s my first time to do a full-blown intimate scene and yeah, I’m thankful nga na partner ko si Alex kasi sobrang marunong siyang mag-alaga ng co-star and he knows how to ask my boundaries and of course, my consent sa mga scenes,” sey ni Adrianna sa mediacon for PaThirsty last Thursday.

Dagdag niya, marami raw siyang ginawang “first” sa movie.

“Lahat ng ginawa ko rito, first time ko lang talagang ginawa. Ganu’n siya ka-sexy,” aniya.

Of course, very challenging daw sa kanya ang lahat ng sexy scenes pero nagtiwala na lang daw siya sa direktor na si Ivan Andrew Payawal.

SM food to go Banner Ad

“At saka inalaagan naman talaga kami ni direk Ivan. Sa shots, sa lahat, kung saan ‘yung comfort zone namin. Sobrang sayang gawin talaga nitong pelikula kaya sana mag-translate rin sa audienc kung gaano ito kasaya,” sey ni Adrianna.

Puring-puri naman ni direk Ivan ang professionalism ng kanyang mga artista.

Pero hirit ni Chad Kinis who’s also part of the movie, tinulugan daw niya ang lampungan scene nina Adrianna and Alex.

Pero ang sinilip daw niya talaga ay ang shooting ng love scene nina Kych at Alex dahil curious siya.

“First time kong nakakita ng ganu’n and wow, it’s so amazing. Pero ‘yung kina Adrianna and Alex, tulog ako,” natatawang sabi ng gay comedian.

Ang PaThirsty ay isang sex-comedy mula sa same universe ng hit BL franchise na Gameboys. Kwento ito ni Pearl (Adrianna) at Achilles (Kych), ang mag-besties na parehong broken-hearted dahil sa kanilang failed relationships.

Mai-in-love sila pareho sa isang lalaki na ginagampanan naman ni Alex.

Mapapanood na ngayong June 1, 2022 ang PaThirsty sa Vivamax Plus at available naman sa Vivamax on June 29. Kasama rin sa movie sina Kate Alejandrino and Bob Jbeili.

Leave A Reply

Your email address will not be published.