Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aduke tumawid sa Choco Mucho

0 34

Bukod kay Thang Ponce, nabingwit rin ng Choco Mucho Flying Titans si La Salle standout Aduke Ogunsanya matapos mapabilang sa roster na sasalang sa 2022 PVL season.

Inanunsiyo ito ng koponan nitong Biyernes ng gabi matapos i-welcome ang dalaga sa kanilang social media post.

SM food to go Banner Ad

“Welcome home Aduke. No doubt she has an exceptional talent which led her to win multiple UAAP & PSL championships. Aduke’s experience will definitely help the team succeed,” ayon sa statement ng team.

Magugunitang huling naglaro ang 5-foot-9 Ilongga sa ilalim ni coach Ramil de Jesus sa koponang F2 Logistics.

Kasama ito sa Cargo Movers na kumuha ng titulo noong Nobyembre sa Philippine National Volleyball Federation Champions League. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.