Abante Tonite Interactive

Aeta nambato ng aso binaril sa ulo

By
638

Itinanghal na bangkay ang isang katutubong Aeta habang sugatan naman ang kasamahan nito nang pagbabarilin ng isang lalaki, na may-ari ng aso na binato umano ng mga biktima matapos silang habulin sa Lalawigan ng Zambales.

Nagtamo ng tatlong bala sa ulo si Bobby Ramos, 22-anyos na siyang ikinasawi nito habang nagtamo rin ng tama sa tiyan mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang isa pang biktimang si Dennis Melon, 34-anyos na agad namang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Naaresto naman ang suspek na 52-anyos na si Julius dela Cruz na ngayon ay nakakulong at nahaharap sa kasong homicide at frustrated murder.

Abante Hiring – IT dep

Sa impormasyong nakalap ng Abante, nangyari ang insidente kamakalawa sa Sitio Baculi bandang alas-10:00 ng gabi kung saan hinabol ng aso ang mga biktima habang pababa ng bundok at upang makaiwas na makagat ay pinagbabato nila ito na ikinagalit ng suspek na mabilis na kumuha ng baril at pinagbabaril ang mga katutubo.