Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP alerto sa resbak ng Abu Sayyaf

0 107

Nakaalerto na ang buong Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibleng bwelta ng Abu Sayyaf sa pagkakaaresto sa kanilang lider na si Anduljihad ‘Edang’ Susukan.

Naniniwala si AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo na malaking dagok sa bandidong grupo ang pagkakahuli kay Susukan. Aniya, “Isa rin siyang subleader, katulad ni Sawadjaan diyan sa lalawigan ng Sulu kaya po sinasabi natin, malaking dagok ito sa hanay ng mga teroristang grupo na madakip ang isa sa kanilang subleader na very notorious, pinaghahanap ito hindi lang sa ating bansa.”

SM food to go Banner Ad

Iiniutos na umano ni AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay sa militar na maging alerto sa retaliatory attack ng Abu Sayyaf. Aabot sa 23 na arrest warrants ang isinilbi kay Susukan para sa mga kasong murder, kidnapping, serious illegal detention at 6 na frustrated murder.

Naaresto siya makaraang isuko ni Moro National Liberation Front founder Nur Misuari sa Yñigue Subdivision, Maa, Davao City Huwebes ng gabi. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.