Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP chopper bumulusok sa Bohol, piloto dedo

0 185

Isang piloto ang nasawi habang tatlong aircrew ang sugatan matapos mag-crash ang attack helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa coastal town ng Getafe, Bohol nitong Martes ng umaga.

“The AFP Chief General Cirilito Sobejana is saddened by the report of the demise of one of our Philippine Air Force pilots who succumbed in a crash landing of a PAF MG 520 helicopter today 27 April 2021 in Getafe, Bohol,” sabi sa statement na inilabas ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Marine Major General Edgard Arevalo.

Patay ang piloto ng chopper na si Capt. Aurelios Olano, na residente ng Candijay, Bohol. Sugatan naman sina 1st lt. Hilary Bunao, tubong Quirino province; A1C Rex Anapio, na tubong Metro Manila at A1C Bonn Arasula.

Sa ulat, sinabi ni PAF spokesman Lt. Col. Maynard Mariano, bumagsak ang isang McDonnel Douglas MG-520 “Defender” combat chopper sa baybayin ng Gestafe bandang alas-9:30 ng umaga habang nagsasagawa ng periodic test flight.

Aniya, nag-take off ang helicopter sa isang military base ng PAF sa Mactan Island.

Iniimbestigahan pa ng PAF ang sanhi ng pagbagsak ng kanilang helicopter.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si PAF Commanding General, Lt. Gen. Allen Paredes sa naulila ng mga nasawi.

“The PAF will provide all necessary assistance and financial aid for the bereaved family,” sabi nito. (IS/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.