Abante Tonite Interactive

AFP, DENR 2 pa karera sa finals

135

Asam ng matagal na mga napahi-ngang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mahalagang unang arangkada sa pagsiklab ng 8th UNTV Cup 2019-2020 best-of-three semifinals bukas, Linggo sa Paco Arena sa Maynila.

Tatapatan ng top seeded at defending champion AFP Cavaliers ang sumabit na dulo ng Final 4 na Judiciary Magis sa alas-singko ng hapon, habang kabakbakan ng DENR Warriors ang NHA Builders sa alas-3:30 ng hapon sa ligang inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.

Halos tatlong linggong nag-antay ang AFP at DENR upang malaman mga ­makakatuos sa yugtong ito semis kaya asahan ang mabagsik na laro ng uhaw at matagal na nagpahingang kampo.

Kahit na defending champion ang makakatapat ng Magis, bala nila sina former PBA players Warren Ybanez at Chester Tolomia kasama si veteran Frederick Salamat. (Aivan Episcope)