Abante Tonite Interactive

AFP, DENR agawan sa unang puwesto

0 133

Standings
Teams W L
AFP 7 1
DENR 7 1
NHA 6 3
Judiciary 5 3
PITC 5 3
Agriculture 5 4
MP-PSC 5 4
PhilHealth 2 7

Mga laro bukas, Linggo:
(Paco Arena, Maynila)
3:30 p.m. – PITC vs Judiciary
5 p.m. – DENR vs AFP

Agawan sa liderato ang reigning titlist Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagtatagpo na tatapos sa second round eliminations ng 8th UNTV Cup 2019-2020 ngayon, Linggo sa Paco Arena sa Manila.

Asahan ang mainit na laban sa alas-5:00 nang hapon ng AFP Cava­liers at DENR Warriors upang makuha ang No. 1 spot sa annual tournament para sa public servants.

Parehas ang dalawang­ koponan na smulong na sa semifinals sa 7-1 win-loss marks.

Mangunguna para AFP Cavs sina former Letran star Boyet Bautista, Willy Casulla at Darwin Cordero habang pamato naman sina Ed Rivera at Melvin Bangal ng Warriors.

Magkatuwang si Rivera at Bangal sa panalo ng DENR 110-93 kontra PhilHealth sa nakaraang Linggo upang makuha ang puwesto sa semis ng torneo na may P4M para sa chosen charity ng magkakampeon dito. (JAT)