AFP, DENR basagan sa UNTV Cup finale

465

Binasag ng top-seeded defending­ champion Armed Forces of the Philippines at Department of Environment and Natural Resources ang kanilang mga kalaban sa semis upang makaangat sa final round ng 8th UNTV Cup 2019-2020 nitong Linggo sa Paco Arena sa Maynila.

Sa likod ng 17 point at 10 rebound ni Romeo Almerol, 12 marker ni Jerry Lumungsod at 10 puntos ni Darwin Cordero nilikida ng AFP Cavaliers ang Judiciary Magis, 72-67, sa pag-sweep sa best-of-three series.

Tumudla naman si MVP candidate Ralph Lansang ng 25 pt. at 10 reb. nang igupo ng DENR Warriors ang National Housing Authority Builders, 82-75, sa Game 2 rin sa ligang pam-public servant na inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.

Kaya pagtatagisanan ng defending­ champion Cavs at bagong saltang Warriors ang titulo sa race-to-two-win. Ang manalo ay makakakuha ng P4M tax-free na idodonasyon sa mapipili niyang charity institution habang P2M sa runner up.
First Game

AFP 72 – Almerol 17, Lumongsod 12, Cordero 10, Rosopa 10, Tan 6, Bautista 6, Quiambao 4, Sergio 3, Zuniga 2.

JUDICIARY 67 – Salamat 14, Tolomia 14, Dela Cruz 12, Dionisio 11, Marquez 8, Ybanez 6, Mustre 2.

Second game
DENR 82 – Lansang 25, Bangal 18, Gamboa 12, Ayson 11, Rivera 8, Atablanco 4, Abanes 4.

NHA 75 – Vitug 29, J. Dizon 14, W. Tibay 10, Lustestica 10, M. Dizon 4, Mercado 4, Alastoy 2, R. Tibay 2. (Aivan Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...