Abante Tonite Interactive

AFP, DENR brasuhan sa Game 1

277

Mga laro bukas: (Paco Arena, Manila)
3:30pm — NHA vs Judiciary (Battle-for-3rd)
5:30pm — AFP vs DENR (Game 1/Best-of-3 Finals)

Asahan ang nagbabagang bakbakan sa pagitan ng defending champion Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Game 1 ng kanilang best-of-three finals bukas sa 8th UNTV Cup sa Paco Arena, Maynila.

Asam ng AFP Cavaliers ang back-to-back championship sa taon-taong liga para sa mga public servant.

Samantala, ang DENR Warrriors naman ay naghahangad ng mala-historic event para abutin ang pinakaunang titulo sa liga.

Ang mananalo sa ligang inorganisa ni UNTV president at CEO Daniel Razon ay makakakuha ng tax-free P4 million mula sa napiling­ charity. P2 million para sa runner-up at P1 million sa 3rd and 4th placers.­

Bukod sa 5-on-5 match ay aariba rin ang liga sa 3×3 match alas-3:00 ng hapon upang ipaabot ang suporta sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). (AE)