Abante Tonite Interactive

AFP, DENR wawalisin ang mga karibal sa UNTV semis

0 250

Mga laro bukas:
(Paco Arena, Maynila)
3:30 pm – Judiciary vs AFP
5 pm – NHA vs DENR

Asam ng defending champion Armed Forces of the Philippines at bagong saltang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ma-sweep ang magkahiwalay na mga karibal upang makapalaot na sa Finals ng 8th UNTV Cup 2019-2020 bukas, Linggo sa Paco Arena sa Maynila.

Sasamantalahin ng AFP Cavaliers ang mabuting kondisyon nina former PH team members Eugene Tan at Boyet Bautista upang tabunan ang Judiciary sa Game 2 ng semis sa alas-3:30 ng hapon at makaderetso sa finals.

Aararuhin ding muli nina Ralph Lansang, Melvin Bangal at Ed Rivera ang NHA Builders para makaakyat sa next round ang DENR Warriors

Kung magtagumpay man ang AFP at DENR aangat sa finals, pero kung parehong matalo ay may do-or-die match-up pa sa ligang inorganisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon.

Ang magkakampeon sa liga ay makakakuha ng P4M tax-free papremyo na mapupunta sa mapipiling charity ng winning team, at P2 million para sa runner-up.

Tiniyak naman ng management na uuwing may dala ang mga manlalaro na nakapasok sa final four. (Aivan Episcope)