Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP dismayado! 9 pulis sa Jolo rubout pinakawalan

0 98

Pinakawalan na sa Camp Crame at pinauwi na sa kanilang mga pamilya ang siyam na pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na intelligence officer ng Philippine Army sa Jolo, Sulu ayon kay Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas.

Sa press briefing sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Sinas na walang kautusang lumabas mula sa korte kaugnay ng kasong murder at planting of evidence na kinakaharap ng mga nasabing pulis sa pagpatay sa apat na sundalo noong Hunyo 29, 2020 sa Jolo, Sulu.

Matatandaang una nang nadismis sa serbisyo sina Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri; M/Sgt. Hanie Baddiri; S/Sgt. Iskandar Susulan; S/Sgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; Pat. Mohammed Nur Pasani; S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Pat. Alkajal Mandangan; at Pat Rajiv Putalan matapos sampahan ng kasong administratibo kaugnay ng insidente ng pamamaril at pagpatay sa apat na intelligence officer ng Philippine Army na sina Maj. Marvin A. Indammog, 39; Capt. Irwin B. Managuelod, 33; Sgt. Jaime M. Velasco, 38 at Cpl. Abdal Asula, 33.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa kay Sinas, nitong nakaraang Linggo nila pinauwi sa kanilang mga pamilya ang mga suspek.

Dismayado naman ang Armed Forces of the Philippines sa PNP, matapos umanong hayaang makauwi ang siyam.

“The AFP Chief-of-Staff General Gilbert Gapay is extremely disappointed with the release from custody of nine members the PNP who are respondents to the murder of 4 Army Intelligence personnel who were on an anti-terrorism mission when they were gunned down in downtown Jolo,” sabi ni Marine Major General Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.