Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP duda – sub head

0 258

HINDI naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na Islamic State Militants (ISIS) ang utak sa likod ng nangyaring magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Lunes.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General William Gonzales, malinaw na propaganda lang ng ISIS ang pahayag nila.

“Hindi ko pa nakita yung report na ganyan. So far, wala akong natatangap na report. Pero kung saan man nakuha yung ganyang report, propaganda lang yan, Alam mo naman yung ISIS, mahilig sila sa mga propaganda para sumikat sila, yan naman ang talagang kanilang mga strategy, i-claim kung ano man, basta ISIS ganyan, strategy lang nila yan, propaganda,” sinabi ni Gonzales.

Dagdag niya, mas sinisilip nila ang kamay ng Abu Sayyaf sa insidente.

Naniniwala din siya na kaya inangkin lang ito ng ISIS dahil ang Abu Sayyaf ay supporter nila.

“Itong Abu Sayyaf mayroon itong, kung baga sila ang ISIS na leaning na grupo na terrorist sa Jolo, Sulu,” sinabi niya

Naunang inako ng ISIS ang responsibilidad sa magkasunod na pagpapasabog sa Jolo na pumatay ng 15, kabilang ang suicide bomber, nitong Lunes. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.