Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP general sa Senado: FB, Twitter kontrolin

0 316

Suportado ni Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ang nais ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Gilbert Gapay na kontrolin ang mga social media platform para hindi magamit ng mga terorista sa pag-recruit ng mga kabataan at pagtuturo sa paggawa ng bomba.

“We all know that the social media is being used by elements, by organizations to destabilize the government. As we speak even, the social media they are talking about how to make bombs, Molotov bombs,” sabi ni Parlade sa kanyang pagharap sa Commission on Appointments.

“We are speaking here of some organizations, legal organizations discussing about how to make Molotov bombs in social media. It’s happening in social media and we’re able to monitor it but we cannot do anything about it,” dagdag nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi pa ni Parlade, tama si Gapay sa kanyang panukala dahil makatutulong ito para mapigilan ang terorismo sa bansa.

Matatandaang inihayag dati ni Gapay ang nais nitong kontrolin ang mga social media katulad ng Facebook at Twitter para hindi magamit ng mga terorista.

Sinabi naman ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson, principal sponsor ng Anti-Terror Law, sa mga opisyal ng AFP na dumalo sa pagdinig ng CA na iparating kay Gapay na maging maingat at specific ito sa panukala para sa pagkontrol ng social media dahil sensitibong isyu aniya ito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.