Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP nagpasaklolo sa publiko kontra Abu Sayyaf

0 61

KASABAY ng paggunita sa National Heroes Day, nanawagan si Armed Forces Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay sa publiko na makipagtulungan sa hukbong sandatahan para masawata na ang mga terorista o masasamang grupo sa bansa.

Hinikayat ni Gapay ang publiko na maging alerto sa paligid, at magtiwala sa mga sundalo dahil kakampi sila ng taumbayan.

“National security is a shared responsibility that requires trust, respect, and cooperation from the citizenry. Everyone should be aware of their surroundings and report all suspicious persons, doubtful activities, and left behind personal belongings while remaining vigilant at all times,” sabi ni Gapay.

Sinabi pa ni Gapay na patuloy na nananatili ang banta ng terorismo sa bansa, kayat mainam na magtulungan para matigil na ang karahasan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.