Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP nagpasalamat sa suporta ng gobyerno kontra FB

0 167

NAGPASALAMAT ang Armed Forces of the Philippines sa suporta na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapa-take down ng mga social media accounts na sumusuporta sa kampanya ng mga sundalo laban sa mga rebelde.

Sinabi ni AFP Spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo, na ang boses ng Pangulo ay ang boses ng mga tao na sawa na sa panghahasik ng terorismo ng mga rebelde.

“We are thankful to the Commander-in-Chief’s expression of support to the AFP’s campaign that, after all, may well be every Filipinos’ war against the Communist Terrorist Group NPA—to include affiliated underground mass organizations— that have caused the misery of our people for more than 50 years,” pahayag ni Arevalo.

Giit ng AFP, ang kanilang social media accounts ay ginagamit nila para magbigay ng tamang impormasyon sa publiko hindi tulad ng mga rebelde na ginagait sa paghahasik ng kaguluhan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.