Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP nakatutok sa apektado ng bagyo

0 150

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines na handa sila sa mga gagawing rescue efforts para sa mga apektado ng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Sinabi ni AFP chief Gen. Gilbert Gapay na kasado na ang mga rescue operations para sa pagtugon sa emergency sa mga lugar na sasalantain ng bagyong Rolly.

“Handang-handa tayo ngayon para sa bagyong Rolly. Let us maintain that high state of readiness,” sabi ni Gapay sa mga miyembro ng Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) ng AFP sa isang preparedness inspection sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

SM food to go Banner Ad

Nasa 600 na miyembro ng JTF-NCR ang kasalukuyang naka-deploy sa mga flood-prone area sa Metro Manila para tumulong sa mga lokal na pamahalaan sa rescue operation at evacuation.

Sinabi pa ni Gapay na nasa 8,000 na active at reserve personnel ng AFP ang naikalat sa Luzon at Visayas para sa disaster response.

Aabot naman sa 2,000 tauhan ng AFP Southern Luzon Command ang tumutulong sa rescue operations kasunod ng mga landfall ni Rolly.

“I’m confident that our troops are ready to respond to any call for assistance. Mag-ingat din tayo as responders and rescuers. Let’s not be victims of this calamity,” ani Gapay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.