Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP pinayagan 117 atleta sa PSC

0 206

Inaprubahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 117 na mga military athlete at coach na personnel sa detailed service sa Philippine Sports Commission (PSC) sa paghahanda sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa July at 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa November.

“Nagpapasalamat kami kay Defense Secretary Delfin Lorenzana through the Office of the Chief of Special Service, AFP. Kasama namin ang POC at NSAs sa bagong detailed service na binigay,” bulalas Martes ni PSC Chairman William Ramirez sa PSC Hour ng Radyo Pilipinas Dos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kumakatawan ang athletes at coaches sa 22 sports na kinapapalooban ng athletics (13), badminton (2), baseball (6), basketball (4), boxing (8), cycling (9), judo (2), kurash (1), lawn bowls (5), muay (3), obstacle course (1), rowing (6), sailing (5), sambo (1), sepak takraw (10), softball (7), swimming (6), table tennis (2), triathlon (2), weightlifting (6), wrestling (12), at para sports (6).

Nasa 58 sa kanila ang mga kawani ng Philippine Air Force (PAF), 40 sa Philippine Navy (PN) at 19 sa Philippine Army (PA) (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.