Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP, PNP bantay sa mga MECQ pasaway

0 343

Inatasan ng gobyerno ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para siyang magpatupad ng istriktong protocol sa 14 araw na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila

Ito’y matapos ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang MECQ sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan dahil na rin sa kahilingan ng medical community na humingi ng `time out’ para mapigil ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 infection.

Nitong Martes, Agosto 14, nagsimula ang MECQ at matatapos ito sa Agosto 18.

“Back to lockdown po tayo so asahan niyo po ang pulis at hukbong sandatahan ay magpapatupad ng lockdown sa iba’t ibang komunidad lalong-lalo na doon sa mga granular at hard lockdowns,” sabi ni Presidential Spokespersn Harry Roque sa kanyang online public briefing. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.