Abante Tonite Interactive

AFP, PNP pinabubuo ng special task force vs armed goons, hired killers

By
775

Kinalampag ng isang kongresista ang Phi­lippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumuo ng isang national task force na tututok sa pagdurog sa private armed groups (PAGs) at mga upahang killer.

Ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, patok na naman ang serbisyo ng armed goons at hired assassins lalo na’t papalapit na ang eleksyon. Tumaas din aniya ang marahas na pag-atake laban sa mga lokal na opisyal ng gobyerno.

“These spate of violent incidents involving local politicians is expected to even escalate as we get closer to the filing of candidacy which starts on October. Obviously, there are still politicians who continue to maintain armed goons and are ready to use violence just to erase potential rivals. This is why, the PNP and even the AFP should also step up efforts to neutralize these PAGs and gun for hire syndicates,” pahayag ni Sarmiento.

Binanggit ng solon na ang probinsya ng Samar ay kilalang political hotspot at sa kanyang kahi­lingan ay isang task force ng PNP-AFP ang binuo na tinawag na Joint Task Force CAGASMAS laban sa PAGs at hired guns sa nasabing lugar.
“We should replicate this on a nationwide scale because political rivalries would surely heat up as we get closer to the election period,” ayon pa kay Sarmiento.