Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP suportado Indonesia sa naglahong submarine

0 293

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makakauwi rin ang dose-dosenang Indonesian sailor na sakay ng submarine na nawala sa karagatan ng Bali.

Iniulat na naglaho ang Indonesian submarine KRI Nanggala 402, sakay ang 53 marino, noong Miyerkoles sa military exercise sa Bali coast.

“The Armed Forces of the Philippines joins its Indonesian brothers and sisters in praying for the safety of the crew members of its stricken submarine,” pahayag ni AFP Chief Cirilito Sobejana nitong Sabado.

Naglunsad na ang mga awtoridad sa Indonesia ng malawakang search and rescue operation pero panipis nang panipis ang pag-asang makitang buhay ang mga nawawalang marino dahil naiulat na sapat lamang ang oxygen sa submarine sa loob ng tatlong araw o hanggang ngayong Sabado.

Tumulong na ang Amerika at Australia para hanapin ang nawawalang submarine at mga sakay nito.

Nawalan umano ng kontak sa Indonesian military ang submarine matapos humingi ng permiso na sumisid sa kasagsagan ng training exercise. (Issa Santiago/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.