Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AFP tumanggap ng P57M medical supply sa Australia

0 63

Nagkaloob ng tulong ang pamahalaan ng Australia sa bansa matapos na bigyan ng nasa P57 milyong halaga ng mga medical equipment at supply ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bukod sa mga medical equipment at supply, tumanggap din ang AFP ng mga personal protective equipment (PPE).

Mismong sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP chief of staff Lt. Gen. Jose Faustino Jr. ang tumanggap ng mga kaloob na tulong ng Australia sa isang simpleng seremonya na ginawa sa Pier 15 ng South Harbor sa Maynila.

Ibinigay ang mga medical equipment at supply sa Victoriano Luna Medical Center (VLMC) para suportaban ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Si Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson ang nanguna sa pagkakaloob ng mga tulong sa pamahalaan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.