Abante Tonite Interactive

African imports nangalabaw sa MBL

104

Walang nakapigil sa African imports sa pananalasa sa MBL Open basketball championship sa EAC Sports Center.

Nangalabaw si Chabi Soulmane ng 31 points para bitbitin ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel sa 89-79 panalo laban sa MLQU-Victoria Sports.

Nagsalansan naman ng 28 markers si Alex Diak­hite para buhatin ang Diliman College-JPA Freight Logistics Blue Dragons sa paglampaso sa NCAA member Emilio Aguinaldo College Generals 72-56.

Abante Hiring – IT dep

Nagpiyesta sa paint ang 6-foot-6 workhorse na si Soulmane para itulak ang Blue Griffins sa ikalawang sunod na ­panalo. Sa fourth quarter ay nambarako ng 13 points ang Nigerian.

Ang eight-team tournament ay suportado ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.