Abante Tonite Interactive

African national, Pinoy buking sa pekeng dokumento

332

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pasahero mula sa Togo Western Africa na nahuling nagtataglay ng pekeng Canadian visa.

Kinilala ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina ang Togolese na si Amevi Gbansouvi, 31, na naharang noong Martes.

Nasa kostudiya ng BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig si Gbansouvi .

Nabatid na dumating si Gbansouvi bilang transit passenger ng Philippine Airlines flight mula China at ang kanyang final destination ay sa Toronto, Canada.

Samantala, naharang din ang isang babaeng overseas Filipino worker­ papuntang United Arab Emirates matapos magpakita ng pekeng seafarer’s book at pekeng overseas employment certificate. (Mina ­Aquino)