Abante Tonite
Mabilis sa Balita

African Swine Fever sa CDO lumobo

0 35

POSIBLENG lumala ang problema sa supply ng baboy sa bansa.

Itoy kasunod ng pagsulpot ng African Swine fever sa Cagayan de Oro kung saan umabot na sa pito ang bilang ng mga barangay na apektado nito.

Sinabi ni Assistant Regional Director Carlota Madriaga, ng Department of Agriculture Region 10 Field Operations Division, na lima ang nadagdag sa kanilang listahan mula sa dating 2 nilang binabantayan.

SM food to go Banner Ad

“Medyo nadagdagan kaso natin sa Cagayan de Oro, in terms of infection, medyo naapektuhan ‘yung adjacent barangays so naging 7,” sinabi ni Madriaga.

Bukod sa CDO, nakaalerto din ang DA sa Misamis Oriental dahil may dalawang barangay din doon ang apektado ng ASF.

Matatandaan na sa Misamis Oriental ay mahigit 500 baboy ang pinatay dahil sa naturang sakit. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.