Abante Tonite Interactive

African Swine Flu‘di delikado sa tao-DOH

0 286

Wala umanong epekto at hindi delikado sa kalusugan ng tao ang African Swine Flu.

Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Health Secretary Francisco Duque para alisin ang pangamba ng mamamayan makaraang kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) na 14 sa 20 sample ng dugo ng baboy na sinuri ang nagpositibo sa ASF.

Ayon sa Kalihim, walang dapat ipangamba ang publiko lalo na kung ang baboy ay binili sa mapapagkatiwalaang tindahan at niluto namang mabuti ang karne.

“We want to allay the fears of the public by saying that ,as long as pork is bought feom reliable soirces and it is cooked thoroughly ,pork is safe to eat,”ayon sa Kalihim.

Nabatid sa World Health Organization(WHO) ,ang ASF ay isang nakakahawang viral disease sa mga hayop at wild pigs.

Nahahawa ng virus ang mga baboy kapag ang isa sa mga ito ay nagkaroon ng direktang contact sa infected na baboy at nakakain ng kontaminado nito.

Makakaranas ang mga baboy na infected ng ASF ng mataas na lagnat,kawalan ng ganang kumain,pamumula ng tenga,tiyan at binti ,pagsusuka at pagtatae na maaring mauwi sa pagkamatay.

Samantala, magbibigay ang Dedartment of Agriculture (DA) ng P3,500 na ayuda para sa bawal baboy na pinatayu sa mga lugar na tinamaan ng ASF. ( Juliet de Loza-Cudia/Eileen Mencias)