Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Afril pinabaunan si Jack

0 246

Pa-Taiwan na si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Jack Danielle Animam at anuman ang kanyang naabot, isa sa nakasuporta at proud sa kanya ay ang best friend at Gilas Pilipinas teammate na si Afril Bernardino.

“Masaya ako para kay Jack kasi nagkakwentuhan kami before na gusto niya maging import,” pahayag ni Bernardino kamakalawa sa Tiebreaker Times vodcast: So She Did.

“Sobrang happy ako para sa mga na-achieve niya,” pagmamalaki pa ng basketbolista.

Related Posts

Ni-recruit si Animam sa Taiwan para maglaro sa University Basketball Association (UBA) bilang import ng Shih Hsin University.

Magkaiba man ng koponan noong college sa UAAP, sanggang dikit at di matatawaran ang suporta ni Afril kay Jack.

Anbg pab aon niya sa BFF, “Nakasuporta lang kami dito sa ‘yo. Isang tawag mo lang, sasagot agad kami.” (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.