Abante Tonite Interactive

Aftershock sa 5.5 magnitude Quezon quake ibinabala

0 120

Pinawi ni Phivolcs Director Renato Solidum ang pangamba ng publiko sa naitalang 5.5 magnitude sa malaking parte ng Luzon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Solidum, walang aasahang tsunami dahil hindi makakalikha ng malalaking alon ang ganung uri ng lindol, kahit ang epicenter ay namataan sa karagatang sakop ng Jomalig, Quezon. Bukod dito ay wala rin umanong koneksyon ang huling lindol sa sunud-sunod ding pagyanig sa Mindanao.

“Hindi po sila magkaugnay. Masyado na pong malayo upang ma-trigger ng paggalaw ng fault sa Mindanao,” paglilinaw ni Phivolcs director Renato Solidum.

Gayunman, asahan umano ang mga aftershock, pero mahihina na lamang ito.

Bandang alas-4:52 ng madaling-araw nang yumanig ang nasabing lindol na umabot hanggang Pampanga sa Central Luzon, ilang parte ng Metro Manila at Southern Luzon, kasama na ang Bicol region. (PNA)