Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aftershocks ramdan pa rin sa Abra

0 56

Patuloy pa rin ang naitatalang aftershocks sa Abra kasunod ng 7.0 magnitude earthquake noong July 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs ay umabot na sa 2,510 ang aftershocks, 846 dito ay plotted o naitala sa 3 o mahigit pang station ng Phivolcs habang 59 ang tinuturing na felt earthquake.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, habang nakakaranas ng aftershocks ay ibayong pag-iingat pa rin ang isagawa ng mga residente partikular sa epicenter ng lindol sa bayan ng Tayum, Abra.

Sa mga naitalang aftershocks ay may lakas ito na 1.4 hanggang 5.1 magnitude. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.