Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aga, Allen inisnab ng mga Manunuri

0 319

Malakas ang laban ni Alden Richards sa sa ika-43 Gawad Urian bilang best actor. Gaganapin ito sa darating na Oktubre.

Nominado si Alden bilang Best Actor para sa pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’.

Marami rin ang nagulat dahil wala sa nominasyon ang inaakalang mabigat niyang kalaban na si Allen Dizon na best actor ng MMFF 2019 para sa pelikulang Mindanao.

Inisnab din ng mga Manunuri si Aga Muhlach para sa pelikulang ‘Miracle in Cell No.7’.

Mas napansin ang acting nina Louis Abuel (Edward), Oliver Aquino ( Jino To Mari), Gold Azeron ( Metamorphosis), Raymond Bagatsing (Quezon’s Game), Royce Cabrera, (Fuccbois), Elijah Canlas (Kalel, 15), Gio Gahol (Sila-Sila), Joel Lamangan (Ang Hupa), Jansen Magpusao (John Denver Trending).

Anyway, kanya-kanyang taste ‘yan at sila ang pumasa sa URIAN kaya irespeto.

Young actor nalulong sa sugal, nagsangla ng motor

Nakakaaliw ang bagong vlog ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa kanyang YouTube channel! May pagka-pilyo pala ang binata at napagtripan niya ang mga malalapit na kaibigan sa showbiz sa pamamagitan ng prank calls!

Kasama sa mga nabiktima niya ay sina Jane de Leon,Lexi Gonzales at Mikael Daez, pati ang mga fan niya sa Kelvin Nation at Kelvin Warriors. Kunwari raw ay maglalayas na siya at magbabaka-sakaling makituloy sa bahay ng mga kaibigan, at may mga paandar pa siyang natalo sa sugal.Pati motor umano nasangla.

Laugh trip talaga ang video ni Kelvin na ‘Prank or Flops’ vlog niya.Sey pa niya, hirap daw palang mag-prank.

Talbog!

Hula hoop nakatulong sa scoliosis ni Sheryl

Sa episode ng ‘Mars Pa More’, ibinahagi ni Sheryl Cruz kung paano natulungan ng paghu-hula hoop ang scoliosis niya. Aniya, “Kasi when you walk ‘di ba you tend to slouch most of the time, lalo na if you’re heavy. It helped me straighten my back. Yung posture ko, mas maayos siya.”

Bukod sa nakakatulong sa weight loss, magandang full body workout din daw ito. Dagdag na tip ng ‘Magkaagaw’ actress para sa beginners, gumamit muna ng bigger o heavier hoops dahil mas mabagal na rotation ng katawan ang kailangan nito kumpara sa mas maliliit na hoops.

Nakahanda nang sumabak sa taping si Pancho Magno para sa weekly series na ‘I Can See You: Love on the Balcony.’
Makakasama niya rito sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Sa panayam ng 24 Oras, naikuwento ni Pancho na doble ang paghahanda ng aktor sa kanyang pagbabalik-trabaho sa ilalim ng new normal. “Nandu’n ‘yung hindi mo alam kung anong mangyayari. Nakakatakot but nag-swab testing kami and I do take my vitamins everyday rin naman. Nagi-exercise, siyempre, kailangan maging healthy, lalo na ngayon may baby na ,” deklara niya.

Tsuk!

Leave A Reply

Your email address will not be published.