Abante Tonite Interactive

Aga-Bea parang totoo ang landian

448

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioKakaibang karanasan para sa diva that you love na kahit punong-puno ang sinehan sa premiere night para sa First Love, ang pelikulang pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo, super behaved ang mga fan.

Walang tumitili. Walang maiingay. Lahat, engrossed na engrossed sa mga nangyayari sa mga katauhang si Nick (Muhlach) at Ali (Bea).

Ano nga ba ang super espeyal sa pelikula? May mararamdaman kang paghanga at inggit sa Vancouver.

Kasi malinis, walang kalat, walang traffic, malalapad ang highway, first world na first world ang mass transport system, may mga quaint book shops at coffee houses. Sa sobrang ganda nito, sina Ali at Nick, ang daming pagkakataong pinapakitang lakad kete lakad kete lakad kete lakad sa streets, alleys at umuupo sa mga bench sa park.

At sa kanilang pag­lalakad, ang narrative, doon umuusad, dun mo malalaman ang kanilang buhay, pagkakaiba, pagkakapareho, fears, struggles at kung paano ang kanilang pagmamahalan ang pinaka-bonus sa mga emotional baggage at physical affliction na kanilang dinadala at hinaharap.

Short but impactful ang katauhan ni Ms. Sandy Andolong bilang fearful, protective nanay ni Ali at ni Albie Casiño bilang Seb. Dati, sa Happy House unang nagkasama sina Ms. Sandy at Aga. Para tuloy may reunion feel ito.

Speaking of reunion, pleasant surprise to see Raymond Lauchengco na kasama sa movie. Bigla ko tuloy naalala ang Bagets. Dito, kaibigan at confidante siya ni Nick.

Super pleasant surprise rin ang katauhan ni Albie na si Seb. Hindi siya ‘yung usual cock teaser rito. Very affectionate brother siya ni Alonzo. At sa true lang, effective pala siyang maging super gentle and kind.

Most impressive rin si Edward Barber. He looked so guapo sa movie. Panalo ang rehistro niya. Para talaga siyang “local” sa Vancouver and this young man can act. Sa true lang, after this, puwede na siyang tumayo sa kanyang sariling paa. May isang eksena rito na magkasama sila ni Muhlach na mararamdaman mo talaga ‘yung fear ni Simon, ang katauhan ni Edward, of a certain eventuality.

As always, on ponte si Bea bilang Ali. As the hopeful one, mananalig ka sa kanya at sa quest niyang to live each day as if it were her last kasi nga may heart condition.

Gusto ko rin ang characterization niya, hindi paawa, fighter, hopeful at handang sumugal sa buhay, lalo na sa pagmamahal.

Ang ganda-ganda pa ni Bea sa film. May natural glow siya na captured ng camera ni Direk Paul Soriano. You cannot help but root for Ali na malalagpasan niya ang kanyang pagsubok.

And of course, Aga as Nick did not disappoint. Bilang lalaki na sawa na sa mga nangyayari sa kanya, you really feel all his struggles, hesitation, confusion hanggang sa puntong eto na, handa na siya sa pagmamahal na ibinibigay ni Ali.

Ibang klase rin ang mga mata ni Muhlach sa pelikula lalo na kapag tinitigan niya si Bea, may look of admiration sa una tapos noong sila na, look of love and devotion talaga for Ali were in his eyes as Nick.

Walang kupas si Muhlach.

First Love obviously was written and directed with so much care and love. Napaka-cosmopolitan niya.

Alam mong drama siya pero ang mga drama­tic scene, controlled, almost muted, bigla na lang lumalabas pero hindi maingay, hindi hysterical, hindi larger than life.

Soriano knew when to pull the heart strings, alam niya kung kailan magpapakilig, kung kelan family moment ang isang eksena, kung kailan magpapaluha pero everything was done with so much restraint kaya mas tagos, mas totoong-totoo.

Walang duda, First Love is a must see. Nood na!

Rhian nakipaghalikan kay JM

Sa isang panayam, very well said ang mga ipinahayag ni Rhian Ramos na kumportable siyang makatrabaho ang mga Kapamilya.

Ang Kapuso actress kasi, kasama ang isa sa best Kapamilya leading men na si JM de Guzman sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala.

Wala raw alinlangan o kaba si Ramos na makaeksena si JM kasi, “Alam ko na kapag tinignan ko na siya sa mata, malalaman ko agad kung ano dapat ‘yung ibigay ko.”

May mga kissing scene sila ni JM kasi nga, may relasyon ang kanilang mga katauhan sa pelikula so special bonus ‘yun hindi ba naman lalo na nga’t sa trailer pa lang, muy guapito in a major, major way talaga si JM.

Masaya rin si Rhian sa katotohanan na may mga pagkakataon siyang makatrabaho ang pinakamahu­husay na aktor sa ABS-CBN kahit pa nga certified Kapuso siya.

Paglalahad niya pa sa panayam, “I am a Kapuso and I am happy to be a Kapuso. I am also very grateful because ABS-CBN has been very kind toward me.”
Attachments area