Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aga bumida sa pagbabalik

0 161

NI: ALWIN IGNACIO

Magiliw at ultra-charming si Aga Muhlach sa Zoom conference para sa kanyang feel-good reality show sa NET 25, ang “Bida Kayo Kay Aga.”

Inspired si Muhlach sa show .Sey niya, “It is my way of touching base with the people eh. For the longest time, sa pelikula at TV shows lang nila ako pinapanood. Now, I can interact with them. Talk with them and masayang-masaya ako na may oportunidad at platform ako to be with people, especially mga tatay, with inspiring stories.”

Ano ang pakiramdam niya na makausap ang mga every day tatay? Sagot nito: “Nung una siyempre, kinakabahahan ako. Wala naman akong ilusyon na kilala nila ako or ma-starstruck sila akin. Ever since wala naman akong ilusyon na sikat na sikat ako and I always keep my feet on the ground. Ang saya! Ang sarap sa pakiramdam to talk and at the same time listen to their stories.”

Sabi pa ni Aga: “There is so much negativity now, so much hatred. This reality show is our modest way of letting everyone that there is hope and goodness still. Kailangan lang talaga ma-celebrate sila, ma-highlight para ang lahat makaalam na for all the horror stories that is out, mas marami pa ring magagandang kwento, mabubuting tao na hindi napapagod o nagsasawa to do good.”

Sa true lang, sabik na sabik sa mga totoong kuwento ng mga ordinaryong tatay na gumagawa ng mga hindi pangkaraniwang mga bagay na siyang namumutiktik sa “Bida Kayo Kay Aga” na mapapanood na sa Marso 26.

Leave A Reply

Your email address will not be published.