Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aga, Charlene ‘di kontra na mag-showbiz si Atasha

0 205

Talagang nararahuyo ang mga millennial young men sa pambihirang ganda ni Atasha Muhlach. Siya ang nag-iisang dalaga nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Marami nga ang may pananalig na Atasha has what it takes na maging 5th Filipina Miss Universe. Stunning kasi in a very Filipina kind of way ang beauty nito. Classy pa at alam mong matalino kasi nga nag-aaral ito sa United Kingdom ng business course.

Kamakailan, bumulaga sa isang online magazine ang every day fashion ni Atasha .Talaga namang chic at well put together ito. Litaw na litaw ang nakabibighani niyang femininity at hindi maikakaila na merong X factor ang bunsong babae ng mga Muhlach.

Hindi naman pinipigilan nina Aga at Charlene kung saka-sakaling gustong pasukin ni Atasha ang showbiz. Ang kondisyon lang ay tapusin muna nito ang kanyang pag-aaral.

Si Atasha ay nakapag-theater production na ito nu’ng siya ay nene pa.

Wow! Kung sakaling papasok nga si Atasha sa showbiz, pati na rin ang kanyang kakambal na si Andres na ang sport ay basketball, true blue showbiz royalties ang dalawa, hindi ba naman?

SB19 winner ang ‘paputok’sa bus

Kinanta ng PPop Royalties SB18 ang kanta nilang “Bazinga” sa isang road show presentation na ginanap sa isang bus .Naging iconic venue na ito para sa mga Pinoy may-aawit.

At katulad ng inaasahan, mainit ang pagtanggap sa paputok na ito nina Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Justin de Dios, Ken Suson at Stell Ajero. Number one most viewed sa YouTube na more than 350k and counting na ang mga nakapanood habang tinitipa ang pitak na ito.

Panalo ang camera work kung saan ipinakita ang sizable SB19 fans na sing along while watching sa kanilang mga iniidolo.

Pinaka-telegenic si Josh na talaga namang alam how to flirt with the camera Sunod na parang kay bango-bango at ang sarap polbohan ay si Justin. Gigil at maangas naman si Pablo. Red hair has never been this sexy dahil kay Ken na ang deep masculine voice eh talaga namang nakakababasa ng panty shlelds. At yes oh yes, si Stell talaga ang the one who rules us all with his charisma at talent.

Kaya ngayon pa lang, inaabangan na kung kailan ipapalabas ang isa pang SB19 anthem at ang mga solo nina Suson at Pablo sa nasabing bus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.