Abante Tonite Interactive

Aga dehins trip ni Nadine

433

Mas bet ang JaDine flick
Ni: Mildred Bacud

Nalulungkot na raw ang mga fan nina James Reid at Nadine Lustre dahil wala pang linaw kung kailan ulit gagawa ng pelikula ang dalawa.

Tsika ng aming source, isa raw sa mga rason kung bakit tinanggihan ng aktres ang pelikula with Aga Muhlach ay dahil sa ang akala raw niya ay JaDine movie­ ang susunod na gagawin niya sa Viva. Ito raw ang pinangako sa kanya ng kanyang management. True naman kaya ito?

‘Di ba’t naglabas na rin ng statement ang Viva tungkol dito? Pero saan nga nanggagaling­ ang tsikang ito na nakarating na rin sa kanilang mga fan at nalulungkot nga raw dahil kung kani-kanino na lang pinapareha si Nadine at hindi naman kumikita ng ganoong ka-bongga?

Okey lang daw sana na ipareha si Nadine sa iba pero sana naman daw ay tulad ni Kathryn na kakagatin naman ng manonood kahit ipareha sa iba.