Abante Tonite Interactive

Aga excited makasama sina Coco,Vice, Vic sa MMFF

512

NI:VINIA VIVAR

Taong 1993 pa nang huling sumali si Aga Muhlach sa Metro Manila Film Festival via the movie May Minamahal with Aiko Melendez. Kaya naman after more than 2 decades, sobrang happy ng aktor na muling mapasama ulit ngayon sa MMFF bilang lead actor sa one of the official entries, Miracle In Cell No. 7 na Pinoy adaptation ng hit Korean film with the same title.

Ayon kay Aga, since matagal na nga ang huli niyang MMFF film, noon pa niya pinapangarap na magkaroon ulit ng festival movie. Silently, he’s been dreaming of it at lagi lang niyang sinasabi sa asawang si Charlene Gonzalez.

Kaya nang dumating ang Miracle in Cell No.7, sobra siyang na-excite. That time ay hindi pa sure kung makakasali ito sa filmfest pero talagang natuwa na siya.

“I told Boss Vic (del Rosario of Viva Films), ‘Boss Vic, pag hindi tayo natanggap (sa MMFF), ‘wag na nating gawin ang pelikula.’ Kaya may deal ‘yun. Kaya we waited for that,” pahayag ni Aga sa presscon.

Dagdag pa niya, “bakit ko pangarap na makasama (sa MMFF)? Kasi, gusto kong makasama ‘yung mga pinagkakaguluhan ng mga artista ngayon, like sina Vice (Ganda), sina Coco (Martin), sina Vic Sotto, kasi pag pinag-uusapan parati ‘yan, sabi ko, ‘ang sarap siguro silang makasama.’ Parang ganu’n.
“So, parang ‘yun ang pinapangarap ko, sana magkaroon ako ng pelikulang ganu’n na parang. . .Feeling ko, mas less pressure ang festival kesa mag-showing ka sa gitna ng taon. Kasi, puro ganu’n ako, eh.

“Kasi, ang festival has its own promo. Like people are waiting for Christmas and people watch movies, di ba? Hindi ‘yung in the middle of the year, magpo-promote ka ng pelikula mo at magdadasal ka talaga, mangangarap ka na sana, kumita talaga ‘yung pelikula mo.

“So, para mapabilang kami sa malalaking pelikula is malaking bagay para sa aming lahat,” ani Aga.

When asked kung may nararamdaman ba siyang sense of competition para sa mga kalabang pelikula, aniya ay wala raw at kahit noon pa raw bata-bata siya ay wala ito sa kanyang sistema.

“Even before when I was younger, you know, they competed me with actors, tuwing na lang may bagong artista, sa akin ikukumpara, iku-compete sa akin, igaga-ganu’n.

“Hanggang minsan nga, 40 plus na ako, ikinu-compare ako sa 20-year-old na bago, parang sabi ko, ‘tama na,’ sabi ko, ‘ibigay na natin sa kanila ‘yan.’

“So, now, I’m just happy, sabi ko nga, grateful ako na makahanay kami, itong maliit naming pelikula, sa mabibigat naming kalaban. I mean, not kalaban but kasama sa 8 pelikula sa Metro Manila Film Festival,” he said.

Binitawan ang pamilya, sports

Pero kung gaano siya ka-excited at ka-inspire sa pelikula, sobra rin naman daw siyang nahirapan kung paano atakehin ang role niya bilang mentally-challenged man to the point na sobrang na-depress at na-stress daw siya.

Pangalawang beses na ginampanan ni Aga ang ganitong klaseng role at ang una ay sa Nag-iisang Bituin in 1994 with Vilma Santos.

Pero sa Miracle in Cell No.7 ay talaga raw lampas-ulo ang kaba niya before the shoot.

“It was really stressful. Kasi, ito lang ang pelikulang ginawa ko na lahat, binitawan ko. Family, golf, sports, work-out, diet, lahat. Kung ano ‘yung ginagawa ko, tanggal lahat ‘yan. Ito lang itong pelikulang ‘to,” sabi ni Aga.

Lagi raw niyang sinasabi kay direk Nuel Naval at sa scriptwriter na si Mel del Rosario na hindi niya alam ang kanyang gagawin to portray the character.

“How do I do it? ‘Yun ang stress na inabot ko and ayun, nagawa namin, hindi ko alam kung paano. Actually, organic process,” he said.

Dagdag niya, “kailangan lang, hindi ka maging normal. So, bawat eksena, bawat take, pag action, arte ka, pag-cut, parati ang feeling mo, mali. Kasi, hindi normal, eh. Parati akong mali.

“Kaya na-stress ako, Talagang na-depress talaga ako. Sabi ko, ‘oh my God.” Tapos sinabi ng asawa ko sa akin, ‘eh if you don’t feel normal, that means you’re good.’ Oo nga, may point, di ba?”

Kaya naman nagtiwala na lang daw siya sa direktor niya na kapag sinabing okay, okay.

Bukod dito ay nakapag-build din daw ng confidence niya ang mga kapwa aktor na kasama na nagsasabi ring maganda ang performance niya after the take.

Di obligadong mag-diet

On a lighter mode ay pinuna rin ng press na medyo malusog sa movie si Aga pero napakaguwapo pa rin naman.

“Tuwing gagawa ako ng pelikula, ‘yan ang famous line ko, ‘oh my God, magpapapayat na naman ako,’ di ba? ‘Eto na naman.’ And sinabi nila (the production team) sa akin, ‘hindi kailangan, ‘you’re okay like that. But if you wanna diet and lose weight to feel good, then, okay lang, do it. But we don’t need that to happen,’” paliwanag ni Aga.

At this point in time, dumating na rin daw siya sa point na hindi na siya conscious sa weight niya.

“I’m 50 years old. When I was in my 20s, I was the happiest. When I was in my 30s, I was my happiest, in my 40’s, I was at my happiest also. Now, I’m 50, it’s still the same. Parang it’s never an issue
“But it’s my responsibility always, for my own health reasons, for my own good also, to look my best.

“So, I try. I try and I try It’s just that I’m not active kasi. I’m not actively. . .I don’t go out, hindi ako puma-party na, hindi ako lumalabas, hindi ako pumoporma sa babae. Ibig sabihin, di ba, ‘yan ang mga minsang ano natin.

“Eh gagawa ako ng pelikula, 1 film a year. So most of the time, I’m just home, if not home, out of the country or spending time with your kids. Pag kakain kayo, ganu’n. Ganu’n ang buhay, kumakain ka.

“But I work out a lot. You may be all surprised, but I’m very athletic, tulad ngayon, nagpapapayat na naman ako sa promo.”

Kinikilig pag sinabing guwapo ang anak

Nito lang last November, Aga and Charlene’s twins, Atasha and Andres just celebrated their 18th birthday. At marami ang nagsabi na parehong artistahin ang dalawa.

May nagsasabi ring mas gwapo pa raw si Andres kaysa sa ama. Ano ang masasabi ni Aga rito?

“When people naman tell me that ‘ang gwapo ni Andres,’ sino naman ang hindi kikiligin nu’n, di ba? Lalo na ang payat ng anak ko, ang tangkad, 6’2”, tapos pag nagbibihis pa siyang ganu’n, parang sabi ko, ‘kung ganyan ang katawan ko, mas magaling akong magbihis sa ‘yo, di ba?’ Pero siyempre, tinatawanan nila ‘ko,” ani Aga.

Ano ang reaksyon ni Andres na ang daddy niya ang pinaka-cute na aktor noong bagets days nito?

“I don’t know. We never talked about all these things. Parang there is no showbusiness talk sa bahay. Hindi naman sa sinasadya namin ‘yun.

It’s just that, naging ganu’n lang talaga sa bahay namin.

“So, they have their own lives, their normalcy,” he said.

Real status nina Andres-Juliana

Hindi rin nakaligtas si Aga sa tanong tungkol sa pagkaka-link ng anak niyang si Andres sa one and only daughter naman nina Richard Gomez and Lucy Torres na si Juliana.

Matatandaang magkasamang dumalo ng prom night ang dalawang bagets last May at nag-viral agad ito at ang daming nagsabing bagay na bagay ang dalawang showbiz royalties.

Natawa na lang si Aga at aniya, ang anak na lang daw ang dapat mag-comment.

“Hindi ko na masasagot ‘yun. Pagka nakausap n’yo na lang siya, tutal disiotso na siya, siya na ang sasagot niyan. Makikita n’yo na rin siya soon minsan, siguro. But they’re both heading for college next year.”
When asked kung binabawalan ba niyang mag-artista ang mga anak, ani Aga ay never naman daw niyang ginawa ito.

“Hindi ko sila pinagbawalan ever since. ‘Yun ang hanap-buhay ko. ‘Yun ang nagbigay ng pagkain sa la mesa sa amin, ng bubungan sa amin, lahat. ‘Yung pag-aartista ko.

“Pero ang sinasabi ko lang, ‘tapusin n’yo ‘yung eskwela ninyo, tapusin n’yo lahat ‘yan dahil hindi ko natapos ‘yan. Tapusin n’yo ‘yan, madali nang pumasok sa industriya.’”

Gusto raw niya ay sariling desisyon ng mga anak kung papasok man ang mga ito sa showbiz.

“Kasi masakit ang industriya natin. Sa industriya na ‘to, huhusgahan ka nang huhusgahan parati and hindi ko kayang maano ‘yun pag hinusgahan nila ang mga anak ko,” wika pa ni Aga.

Anu’t anuman daw ang desisyon ng mga anak niya ay lagi naman daw silang nandiyan bilang magulang para alalayan ang mga ito.