Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aga inokray na gurang

0 67

NI: ALWIN IGNACIO

May bagong proyekto si Aga Muhlach . “Jimmy Boy” ang kanyang pangalan at mula ito sa partners na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Coming soon pa kung ano ang whys and wherefores nitong Jimmy Boy. Siyempre pa, ang mga nanalig kay Papa Morning, excited at jubilant sa proyekto niyang ito lalo na ngat kahit pa may game show at feel good program siya sa isang progresibong network, hindi pa pangmalakasan ang pagtanggap at pagyakap nito mula sa mga manonood.

Ang nakakaloka, ang pagtalak mula sa mga basher kay Aga na para bang sila ang pinaka-perpektong nilalang sa mundong ibabaw

Talak mula sa isang nagpapanggap na Ingliserang basher: “He looks so old. Parang 60 years old na.”

Hanash naman mula sa isang katkatera parang ekspertong totoo sa pelikula: “Sa tanda niya, jusko wag niyo na bigyan ng loveteam at pabebe love story na film.”

Ang sweeping statements para talagang hindi sila tatanda at all, huh! At para bang kahit minsan sa buhay nila ay di wala silang pinanood at hindi kinilig sa pelikulang pinagbibidahan ni Muhlach.

Hindi naman kaya ihi na lamang nila ang nagpapakilig sa kanila kaya ganiyan ka-bitter ang mga hitad na yan?
Go, Aga! Ang mahusay na aktor, hindi kayang lupigin ng nagpapanggap na uri. Sa true lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.