Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aga, Juday, Joed winner sa Laguna Excellence Awards

0 185

RODEL FERNANDO: Matatapos na ang taon pero may mga award giving bodies na humahabol bago magsara ang 2020.

Ang Luna Awards na pinamumunuan ng Film Academy of the Philippines ni Vivian Velez ay sa December 17 gaganapin . Mapapanood ito sa UNTV 37. Siyempre, inaabangan din ang awards night ng MMFF na kahit virtual ang ceremony. Ngayon palang ay sinasabi nang hahakot ng award ang pelikulang “Isa Pang Bahaghari” na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor.

Sa December 26 naman ay magaganap ang ikalawang edisyon ng Laguna Excellence Awards (LEA) na kung saan ang mga ka-Cuatros natin ay mga winner. Si Roldan Castro ay wagi bilang Outstanding Entertainment Editor of the Year para sa Abante Tonite. Sina Rommel Placente at Mildred Bacud ay kinilala naman bilang mga Outstanding Media Personality na napanalunan ng inyong lingkod last year.

Ang iba pang winners ng LEA ay sina Sylvia Sanchez bilang Outstanding TV Actress of the Year para sa teleseryeng Pamilya Ko at Paulo Avelino as Outstanding TV Actor of the Year para sa The General’s Daughter.

Wagi rin sina Aga Muhlach bilang Outstanding Film Actor of the Year para sa Miracle in Cell No. 7, Judy Ann Santos as Outstanding Film Actress of the Year para sa pelikulang Mindanao, Allen Dizon Outstanding Indie Film Actor of the Year para naman sa pelikulang Persons of Interest at Janine Gutierrez bilang Outstanding Indie Film Actress of the Year sa kanyang movie na Babae at Baril.

Igagawad naman sa King of Talk na si Boy Abunda ang mataas na karangalang Lifetime Achievement Award for Hosting. At si Atty. Persida Acosta naman bilang lady of Excellence in Public Service.

ROLDAN CASTRO: Paparangalan din ng Laguna Excellence Award ang mga nasa larangan ng musika.

Ito’y sina Christian Bautista Outstanding Male Recording Artist of the Year (Aking Mahal), Kyline Alcantara Outstanding Female Recording Artist of the Year (Fake Love), Kuh Ledesma

Outstanding Female Concert Performer of the Year (3:16 The Promise #3rdKuhlEvent), Erik Santos ,Outstanding Male Concert Performer of the Year (Erik15 : My Greatest Moment), Janah Zaplan Outstanding Female Pop Artist of the Year (More Than That), Darren Espanto

Outstanding Male Pop Artist of the Year (Sasagipin Kita) ,Jojo Mendrez

Outstanding Revival Artist of the Year (Handog) at Joed Serrano Outstanding Concert Producer of the Year .

Malaki ang pasasalamat ni Joed na nakatanggap ng ganitong pagkilala. Gusto niyang i-share ang naturang award sa Ovation Productions na nandiyan sa concert business sa mahabang panahon.Malaki raw ang natutunan niya sa kanila sa pagiging matagumpay na music producer. Deserving si Joed sa award na ito dahil sa pagkakaalam namin siya lang ang nagpo-prodyus ng local at international concert.

Actually, sa mga blessing na natatangap ni Serrano meron siyang pasasalamat sa pamamagitan ng charity events sa Marikina at Montalban sa Dec 11. Makakasama niya ang cast ng ‘Anak ng Macho Dancer’ na sina Charles Nathan, Ricky Gumera, Miko Pasamonte at Mhack Morales.

Talbog!

ROMMEL PLACENTE:At bongga ka-Cuatros si Arjo Atayde huh! Sa katatapos lang Asian Academy Creative Awards 2020 na ginanap sa Singapore ay ang aktor ang wagi rito bilang Best Actor para sa iWant original series na Bagman. O, di ba hindi lang sa Pinas kinikilala ang husay sa pagganap ni Arjo kundi maging sa ibang bansa rin? Mga foreign actors lang naman ang tinalo ni Arjo kaya proud sa kanya siyempre ang kanyang pamilya, girlfriend na si Maine Mendoza at lahat ng mga nagmamahal sa kanya.

In fairness, ang husay naman talaga ni Arjo sa Bagman.Kahit nga ang award- winning actress na si Maricel Soriano ay napahanga ni Arjo nang mapanood dati sa ang naturang serye sa advance screening nito.

Nag- dialogue pa siya sa mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez, na mas magaling pa raw kesa sa kanila si Arjo. O, di ba coming from the Diamond Star?

MILDRED A. BACUD: Ang hinangaan kong part sa speech ni Arjo mga ka-Cuatros ng tanggapin niya ang Best Actor in a Leading Role Award ay ang pagbida niya sa mga mga kapwa niya aktor.

““I’m happy to be showing Filipino talent out there. I’m not just one of the actors here in the Philippines. There’s a lot of brilliant actors and I just hope for them to be able to show you even more of what we have in our country. ” Mula umpisa ng speech niya ay mangilid lingid ang luha niya at ramdam ang emosyon. Espesyal din talaga sa mga artista ang makatanggap ng parangal sa gitna ng pandemya.

Kahanga -hanga rin naman ang mga award giving bodies na kahit na nasa pandemya ay nagagawan ng paraan mairaos ito kahit virtual awarding lang. Tulad din ng PMPC Star Awards for Movies, bagaman medyo late na ay tuloy pa rin ito sa Enero na produce pa rin ng Airtime Marketing. Hindi pa rin naman talaga dapat tumigil ang mundo at mahinto dahil sa pandemya. Ito na ang bagong normal na nangyayari ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.