Abante Tonite Interactive

Aga-Lea balik tambalan kinakasa ng Viva

645

Although magtatapos ngayong araw na ito, January 7, ang ika-45 Metro Manila Film Festival, bukas pa ia-announce ang official result ng walong pelikulang kalahok, ang overall gross, individual gross at maging ang ranking ng walong pelikula na pinangunahan ng movie ni Aga Muhlach, ang “Miracle in Cell No. 7” na sinusundan ng movie nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang “The Mall, The Merrier”. Far number 3 naman ang movie ni Coco Martin na “3pol Tropol: Huli Ka Balbon” at pang-apat naman ang pelikula ni Vic Sotto, ang “Mission Unstapabol: The Don Identity”.

Ayon sa aming source, papalo umano sa mahigit P500M ang entry movie ni Aga habang aabot naman ng mahigit P300-M ang pelikula nina Vice at Anne. Malamang na umabot na P100-M more or less ang pelikula nina Coco at Vic. Kapag ganito ang figures ng Top 4, tiyak na aabot sa P1-B mark na target ng 2019 MMFF na ayaw namang paniwalaan ng iba.

Speaking of Aga, napag-alaman namin sa big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario na may follow-up movie project kaagad si Aga. Nakatakda itong idirek ni Nuel Naval, ang box office director ng “Miracle”.

May lumulutang ding balita na posible rin umano ang reunion movie nina Aga at Lea Salonga na maaaring mangyari within the year.

Ang movie contract ni Aga ay exclusive sa Viva Films.

***

Dalawang title ang balak isumite ng Viva Films para sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival na mangyayari on April 11-21, 2020, Sabado de Gloria.

Nais isali ng Viva sa MMSFF ang “A Hard Day” na local adaptation ng 2014 hit movie ng South Korea of same title na dinirek ni Kim Seong-hun at tinampukan nina Sun-kyun Lee, Jin-woong Cho at Man-sin Jeong. Ang local version ay pagbibidahan nina Dingdong Dantes at John Arcilla.

Ang isa pang project na isusumite ng Viva ay bagong directorial project ng young writer-director na si Daryl Ong ng “Jowable”.

Magiging abre-lata naman sa taong 2020 ang balik-tambalan nina Bela Padilla at JC Santos na “Vodka, Beers and Regret”. Palabas ito sa February 5. Hindi naman ikinakaila ni Bela na sobra na umano silang kumportable ni JC na magkatrabaho.

Sofia crush si Marco

Hindi ikinakaila ni Sofia Romualdez na crush niya ang ex-PBB teen housemate-turned actor na si Marco Gallo.

Si Sofia ay panganay na anak ng mag-asawang politician na sina Tacloban Mayor Alfred Romualdez at Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzales.

“There’s nothing wrong naman sa crush ‘di ba?,” katwiran ng batang singer-composer.

Sina Marco at Sofia ay parehong nasa pangangalaga ng Viva kaya hindi imposibleng magsama ang dalawa sa isang project.

Although singing and music ang passion ni Sofia, bukas na siya ngayon na pasukin ang acting tulad ng kanyang mom.

Inaasahan na ring magbabalik-showbiz sa taong ito ang kanyang ina matapos huminto sa kanyang political career.

“I’m here to support my daughter’s career,” ani Kring-Kring na napakaganda pa rin hanggang ngayon.

Si Sofia ay abala ngayon sa pagpu-promote ng kanyang bagong single under Viva Records, ang “Wala Na”.