Abante Tonite Interactive

Aga-Lea ‘di humuhupa ang kilig

384

Kahit pa nga golden papable na ang romantic comedy and drama king Aga Muhlach, marami pa rin talaga ang lumulundag ang puso matapos mabasa ang mensahe ni Lea Salonga para kay Muhlach.

24 years ago pa ang huli nilang pelikulang pinagsamahan, ang “Sana’y Maulit Muli” at 27 years ago naman ang una nilang pinagtambalan, ang “Bakit Labis Kitang Mahal”. Hindi pa rin humuhupa ang kilig at ‘di nagpapalupig ang pag-asa na sa pinakamalapit na hinaharap, magtatambal muli sina Muhlach at Salonga.

Sa Instagram, sa okasyon ng birthday ni Ariel (tunay na pangalan ni Aga), super sharing si Ms. Lea ang larawan ng celebrant kasama ang kanyang anak na si Nicole.

Ang emote ni Salonga sa larawan: “I can’t remember what was happening or what these two were talking about, but it looked like fun. Happy 50th, my friend! May it be a beautiful day, wherever you are!”
Ang sagot naman ni Muhlach rito: “Thank you!” with matching heart emoticon.
Kaya siguro hindi mawala ang kilig natin para sa magkapareha, may pagtatapat si Aga na immortalized sa librong “Playlist — A Celebration of 35 Years”. May ibinahaging liham ng pagmamahal ang aktor para sa itinuturing na isa sa pambansang kayamanan ng Pilipinas.

Sa aklat, mababasa ang saloobin ni Muhlach. Sa mga nakabasa na nito, alam na alam na as a love letter writer, heartfelt at sincere magsulat ang mahusay na actor.

Awwww….. hindi ba naman, hindi lang mahusay na aktor si Aga, bongga pang love letter writer. Heartfelt at so sincere.

May judging chore ngayon ni Salonga sa “The Voice Kids” at isa sa mga magiging bida sa “Sweeney Todd”. Si Muhlach, may MMFF movie. Kaya, paano na kaya ang pangarap nating lahat na muling maibalik ang kanilang tambalan?

(Alwin Ignacio)